Text posted on 1.25.12

Ngingiti na lang muna ako ng bongga, habang inaantay ka.
Sawa na akong mainggit at maiinip. Mag-antay na lang ang pasya.
Di naman kailangan makiayon sa mundo at makisabay sa uso,
Kung mabibitin din naman, aba dun na ako sa tunay at totoo.
Text posted on 12.28.11
Naisip mo na ba kung bakit mag-isa ka pa rin ngayon? Kung bakit halos lahat ng tao sa paligid mo may ka-‘thing’ na, ikaw na lang ang wala? Tapos malulungkot ka. Kasi tila imposible naman na magka-‘thing’ kayo ng taong gusto mo.
Pero eto na lang isipin mo. May nagkakagusto rin naman sa iyo diba? Di naman sa feeler ka pero di ka rin naman kasi manhid. Alam mong may taong gusto ka rin, kahit di niya aminin. Ngayon, bakit di mo gusto sa taong yun? “Kasi… kasi…” Ang hirap sabihin diba? Pero paminsan ang naiisip mo na lang, “Kasi hindi sya si ano…” Tama?
Ok, isipin mo naman ngayon ung taong gusto mo. Kung sa tingin mo di ka nya gusto, bakit kaya? Naalala mo yung dahilan kanina? “Kasi hindi sya si ano…” Hindi man masabi kung bakit di ka gusto, malamang naikumpara ka na sa iba. Hirap diba? Pero kung iisipin, ganun ka rin naman.
Kesa pilitin mong gustuhin ka ng taong gusto mo na di ka naman gusto o gustuhin ang taong may gusto sa iyo na di mo naman gusto, bakit hindi ka na lang maghintay? Maraming pang panahon. Huwag mong sayangin ang oras kakapilit sa ayaw o kakaasam sa ayaw. Meron din taong darating na magugustahan mo at magugustuhin ka. Maghintay na lang muna tayo. Sabi nga nila, “Ang tunay na pag-ibig, nakakapaghintay.”
Audio posted on 10.19.11
[Flash 9 is required to listen to audio.]
Conversation posted on 7.04.11
-
Ako:
Ma, medyo nainis ako kanina.
-
Mama:
Bakit nanaman?
-
Ako:
Pagsakay ko sa jeep, may dalawang couple na magkasama. Tapos ako, ayun, nag-iisa.
-
Mama:
Hay nako anak. May tamang panahon para dyan.
-
Ako:
Oo nga po. Kaso medyo nakakainis lang pag pinaliligiran ka na nila.
-
*pagkatapos ng isang minutong katahimikan..*
-
Mama:
Ano ka ba, hayaan mo, hindi ka naman na sasakay ng jeep kapag kasama mo sya(unknown). Susunduin ka na nya, nakakotse pa.
-
IMBA KA NAY.
Text posted on 6.12.11
Para sigurado ka sa sarili mo na hindi ikaw ung nanlalandi. At higit sa lahat, hindi ka masasawi kasi hindi ka mapapahiya. Ayaw mo rin naman na magmistulang hangin di ba? Hayaan mo siya ang magsimula. Basta dapat, simula pa lang, alam at tanggap mo na, na sa ngayon, hangin ka lang sa kanya. Saka ka na matuwa kapag kinausap ka na niya.
(Source: thegamesthatplayus)