Text posted on 12.28.11

“Kasi hindi sya si ano…”

Naisip mo na ba kung bakit mag-isa ka pa rin ngayon? Kung bakit halos lahat ng tao sa paligid mo may ka-‘thing’ na, ikaw na lang ang wala? Tapos malulungkot ka. Kasi tila imposible naman na magka-‘thing’ kayo ng taong gusto mo.

Pero eto na lang isipin mo. May nagkakagusto rin naman sa iyo diba? Di naman sa feeler ka pero di ka rin naman kasi manhid. Alam mong may taong gusto ka rin, kahit di niya aminin. Ngayon, bakit di mo gusto sa taong yun? “Kasi… kasi…” Ang hirap sabihin diba? Pero paminsan ang naiisip mo na lang, “Kasi hindi sya si ano…” Tama?

Ok, isipin mo naman ngayon ung taong gusto mo. Kung sa tingin mo di ka nya gusto, bakit kaya? Naalala mo yung dahilan kanina? “Kasi hindi sya si ano…” Hindi man masabi kung bakit di ka gusto, malamang naikumpara ka na sa iba. Hirap diba? Pero kung iisipin, ganun ka rin naman. 

Kesa pilitin mong gustuhin ka ng taong gusto mo na di ka naman gusto o gustuhin ang taong may gusto sa iyo na di mo naman gusto, bakit hindi ka na lang maghintay? Maraming pang panahon. Huwag mong sayangin ang oras kakapilit sa ayaw o kakaasam sa ayaw. Meron din taong darating na magugustahan mo at magugustuhin ka. Maghintay na lang muna tayo. Sabi nga nila, “Ang tunay na pag-ibig, nakakapaghintay.”