Text posted on 1.12.11

Alon ng Kahapon

Noong una, nag-aalinlangan pa

Di nagtagal, ako’y nahulog na.

Sa iyong ginawa na tila patibong,

Di man lang ako nagtaka’t nagtanong.

Sana’y naisip, hanggang doon lang pala.

Nang malamang ayoko pa, huminto ka na.

Ako’y nasawi, inakalang maghihintay ka.

Ako’y umasa, ikaw sana’y bumalik pa.

Taon ay lumipas, tinanong kita

Ako nga ba’y iyong minahal?

Sa sagot mo, ako’y nanlumo.

Luha’y dahan dahang tumulo.

Tahan na, dapat nga’y kalimutan ko na.

Na ako’y iyong pinaasa’t pinaluha.

Tanging dahilan kung bakit hanggang ngayon,

Inaalon pa rin ng aking kahapon.

(Source: thegamesthatplayus)